Saturday, June 25, 2011

GANITO ANG PAGKAKAIBIGAN


“GANITO ANG PAGKAKAIBIGAN”
- JZNG


‘Yan?
‘Yan ang aking kaibigan.
Makulit at maingay.
‘Yan?
‘Yan ang kanyang hilig.
Ang pag-aarte sa entablado.

Ako?
Ako, hindi ko kaya!
Ako’y nahihiya.
Wala ng magawa kundi umiyak.

Pero,
Kahit ano pa man siya
Siya pa rin ang kaibigan ko
Ang kaibigan na nagmamahal
At nakakaintindi sa iyo.

Kahit siya ay naging sikat
Alam ko na ako’y kaibigan pa rin niya
Kahit sa ako’y umiyak
Alam ko na tutulungan niya ako
Ganito ang pagkakaibigan
Maganda ‘di ba? 


No comments:

Post a Comment